
Ipinagdiwang ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kaniyang ika-28 kaarawan nitong Huwebes, July 31 at ilang celebrity friends ang nagpahatid ng kanilang mga pagbati.
Nag-post si Barbie ng ilang litrato sa kaniyang Instagram account patungkol sa kanyang birthday. Caption ng aktres sa kaniynag post, “So, this is 28. I like it.”
Sa comments section ay binati siya ng malalapit na kaibigan sa showbiz at fans para sa kaniyang special day.
Bati sa kaniya ni Thea Tolentino, “Ang ganda mooo! Happy birthdaaay”
Pagbati naman ng kaniyang dating Maria Clara at Ibarra co-star na si Pauline Mendoza, “Happy Birthday, madaaam,” habang ang kay Julie Anne San Jose naman ay, “ Happy Birthday mareee!!!! ”
Binati rin siya ni Rayver Cruz ng Happy Birthday, at hiniling na pagpalain siya ng Diyos.
May pagbati rin sina Arra San Agustin at Janeena Chan para sa kaniyang kaarawan, at tinawag pa siyang “Leo Queen” ng huli.
Source: itskylinealcantara/IG
Samantala, sa isang video pinost sa kaniyang Instagram Stories ay binati naman si Barbie ng kaniyang best friend at Beauty Empire co-star na si Kyline Alcantara.
Sulat ni Kyline sa text sa video, “Happy Birthday, mare ko!!! Mahal na mahal na mahal na mahal kita!!!”
Source: itskylinealcantara/IG
Sa parehong video na pinost ni Barbie sa kaniyang Instagram story, pinasalamatan niya si Kyline at sinabihan ito ng “I love you, mare ko!”
TINGNAN ANG EARLY BIRTHDAY CELEBRATION NI BARBIE KASAMA ANG KANIYANG PAMILYA SA GALLERY NA ITO:
Binati rin siya ng kaniyang “frenemy” at Cruz vs Cruz star na si Kristoffer Martin. Sabi pa ng singer-actor sa kaniyang Instagram story post, “Basta happy ka, happy kami!”
Source: barbaraforteza/IG
Maging si Ruffa Gutierrez, binati rin si Barbie sa kaniyang espesyal na araw, habang ang co-star nila na si Sam Concepcion, hawak ang cake para hipan ng aktres ang kandila.
Source: barbaraforteza/IG