GMA Logo barbie forteza
Photo by barbaraforteza IG
What's Hot

Barbie Forteza, paano haharapin ang cheating kung mangyari sa totoong buhay?

By EJ Chua
Published September 23, 2026 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Aiko at Onemig, nagkuwento tungkol sa kanilang love story; nilinaw na pareho na silang annulled
Chika Cart: Donita Nose reflects on love, heartbreak, and the 'art of acceptance'
What's inside the Hello Kitty Run 2026 race kit?

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Paano nga ba haharapin ni Barbie Forteza ang cheating kung mangyari sa totoong buhay ang sitwasyong pinagdaanan ng karakter niya sa 'Saving Cherry'?

Palaban at may kakaibang katangian ang karakter ni Barbie Forteza sa pelikulang Saving Cherry.

Sa isang showbiz report ni Athena Imperial, sinagot ni Barbie ang tanong kung paano niya haharapin ang cheating kung sakaling mangyari sa totoong buhay ang sitwasyong pinagdaanan ng kanyang karakter sa pelikula.

Para sa Kapuso actress, mas pipiliin umano niyang hanapin ang kanyang peace at umiwas sa gulo kaysa maging palaban sa gitna ng isang komplikadong sitwasyon.

Pahayag niya, “I have never personally encountered a situation like that but I feel like more than palaban it's more finding your peace with yourself and actually stepping away from that chaos.”

Bukod sa kanyang karakter sa Saving Cherry, palaban din ang role ni Barbie sa ongoing drama series na Honor Thy Mother.

Napapanood si Barbie sa serye bilang si Patricia, ang anak ni Diana, na ginagampanan naman ni Megastar Sharon Cuneta.

Kasama rin niya bilang co-lead stars sina John Estrada at Sharon Cuneta, habang ang leading man niya sa Saving Cherry na si Khalil Ramos ay bahagi rin ng cast.

RELATED GALLERY: Kilalanin ang iba pang cast members ng 'Honor Thy Mother'

Ang Honor Thy Mother ay isang collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Dreamscape, kasama ang Prime Video.

Available na itong i-stream sa Prime Video.