
Sino-sino kaya sila?
Sa press conference ng ‘Meant to Be,’ naikuwento ni Barbie Forteza na siya nga mismo ang pumili sa kanyang apat na leading men: sina Jak Roberto, Ken Chan, Ivan Dorschner, at Addy Raj.
Aniya, “Pinagkatiwalaan nila [ng GMA] ako to choose personally my guys, my leading men. So ‘yun, maraming maraming salamat sa supporta sa akin ng GMA Network at ng Artist Center. And I’m very excited to be working with the guys.”
Pa-joke namang sinabi rin ng aktres, “Actually sila lang, kasi wala naman din akong choice.”
Pero agad niya itong binawi nang biglang umapila ang apat. Ika niya, “I’m kidding, you know I’m kidding.”
Pero ano nga ba ang edge ng apat na napili niya itong mga ito?
Paliwanag ni Barbie, “Hindi, kasi nga, kahit naman nung screen test, kahit nung off-cam din, they were very sweet and caring. Kasi syempre iniisip ko na in the long run, paano ‘yung working relationship namin, paano kung suplado sila, paano kung arrogant. And even off-cam naman, they’re all good to me.”
MORE ON MEANT TO BE:
Ivan Dorschner at Addy Raj, Kapuso na!