GMA Logo Barbie Forteza
Image Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)
What's Hot

Barbie Forteza, pinarangalan sa Anak TV Seal Awards

By Marah Ruiz
Published December 6, 2024 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Nakatanggap si Barbie Forteza ng parangal mula sa Anak TV Seal Awards 2024.

Pinarangalan sa Anak TV Seal Awards si Kapuso Primetime Princess at Pulang Araw star Barbie Forteza.

Natanggap niya ang Makabata Star Award sa ikatlong pagkakataon. Unang beses niya itong natanggap noong 2018, at sumunod naman noong 2023.

"Maraming salamat pong muli @anaktvinc sa pagkilalang ito.

"Ito po ang nagsisilbing inspirasyon sa akin upang patuloy na makagawa ng makabuluhan at magagandang proyekto para sa mga bata. Salamat po sa tiwala," sulat ni Barbie sa kanyang Instagram account habang ibinabahagi niya ang picture niya kasama ang trophy.

Kasama rin sa post niya ang dalawa pang trophy mula sa dalawang unang pagkakataon na pinarangalan siya ng Anak TV.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Personal na tinanggap ni Babie ang award mula sa Anak TV na nagdiriwang din ng kanilang ika-25 anibersaryo ngayong araw, December 6.

Barbie Forteza Anak TV

Image Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)

Ang Anak TV Seal Awards ay taunang parangal na kumikilala sa mga child-friendly at child-sensitive na programa at indibidwal.

Bukod kay Barbie, pinarangalan din dito ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw, at co-star niyang si Asia's Multimedia Star Alden Richards.