
Pagkatapos ng mahigit isang taon ay mamamaalam na ang nangungunang Afternoon Prime soap.
By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by GIA ALLANA SORIANO
Ginanap na kamakailan ang last taping day ng The Half Sisters. Pagkatapos ng mahigit isang taon ay mamamaalam na ang nangungunang Afternoon Prime soap.
READ: 'The Half Sisters' holds their last taping day
Sa isang exclusive interview, ikinuwento ng isa sa mga bida ng show na si Barbie Forteza ang nangyari sa kanilang last taping day.
"Pinigilan kong umiyak kasi ang corny kasi nga pamilya na rin kami roon so kapag may umiyak, magtatawanan silang lahat. So ayokong umiyak hanggang noong nag-last taping ako," saad niya.
Naging busy rin daw ang huling taping ni Barbie. Aniya, "Sobrang daming eksena, sobrang ang hihirap ng mga eksena kasi siyempre patapos na. Ang saya! Ang saya-saya sobra!"
Paano natapos ang last taping ng The Half Sisters? "'Yung iba nga hindi na lumapit sa akin, ba-bye ba-bye na lang. Kasi 'di ba kapag niyakap ka pa or kapag bumati pa sa 'yo kapag nagba-bye pa [baka magkaiyakan pa.] Ganun-ganun na lang kami, nagpipigil kami [umiyak]," bahagi niya.
Malungkot man daw dahil nagtapos na ang show, na-realize naman daw ng cast na maaari pa silang magsama-samang muli. "Nag-usap-usap kami na maliit lang ang mundo namin, magkakatrabaho rin kami ulit or kung 'di man, kapag wala kaming ginagawa, lalabas kami," pagtatapos ni Barbie.
Mapapanood ang The Half Sisters hanggang January 22 at papalitan naman ito ng Wish I May na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
READ: Bagong Bianca Umali, mapapanood sa 'Wish I May'
Samantala, tuloy pa rin ang love team nina Barbie at Andre Paras sa kanilang bagong programa na That's My Amboy simula January 25 sa GMA Telebabad.