
Mapapanood na ngayong Love Month ang pinagbibidahang pelikula ni Barbie Forteza na Until She Remembers. Proud ang Kapuso Primetime Princess sa tinagurian niyang dream project, lalo na at kasama niya sa pelikula ang icons ng showbiz industry na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson Roa-Rodrigo.
"Dream project ko po ito, ang mapabilang sa pelikula ng direk Brillante (Mendoza), at ang makasama ang mga very powerful women who I really look up to in the industry," sabi ni Barbie sa panyam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Biyernes.
Nagbigay din ng suporta ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Barbie sa movie premiere katulad nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Asia's Multimedia Star Alden Richards.
"Personally, very happy for Barbie na grabe, napakasuwerte, napasama siya sa mga pillars and legends of the industry na talagang ang galing. Pati 'yung performance niya [rito], ang galing," sabi ni Dingdong.
Pagbabahagi naman ni Alden, "I think it's a story about how love is to each individual, and ang galing lang na minsan, ang napa-realize sa akin ng pelikulang ito, there's love even in the absence of someone important in your life.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA MEMORABLE SPARKLE MOMENTS NI BARBIE SA GALLERY NA ITO:
Samantala, inamin naman ni Barbie sa Unang Hirit noong January 28 na na-challenge siya sa paggawa ng pelikula. Ang gusto kasi umano ni Direk Brillante, walang script at lahat ng dialogue, manggagaling mismo sa kanilang mga aktor.
“One take lang si direk. Ang explanation niya kaya wala siyang script kasi gusto niya, 'no acting acting' talaga and very raw ang reactions and emotions ng mga actors. So gusto niya, 'yung reaction mo habang nangyayari yung eksena, ganun din talaga 'yung mangyayari sa totoong buhay,” sabi ng aktres.
Gagampanan ni Barbie an role ng isang struggling na high school student na nasa kalagitnaan ng loss at self-discovery. Gaganap naman bilang mga magulang niya sina Albert Martinez at Angel Aquino. Gagampanan naman ni Charo ang role ng kaniyang Lola, at si Boots ay gaganap bilang kaibigan nito.
Mapapanood na ang Until She Remembers ngayong February 25.
Panoorin ang panayam kay Barbie dito: