GMA Logo jak roberto barbie forteza david licauco
What's Hot

Barbie Forteza reacts to fans being curious about her GMA Gala 2023 date: 'Nakaka-fretty'

Published July 19, 2023 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto barbie forteza david licauco


Are you Team BarDa or Team BarJak for GMA Gala 2023? Barbie Forteza reacts to fans' clamor on her GMA Gala date: 'Nakaka-fretty'

Ngayon pa lang, curious na ang fans ni Barbie Forteza kung sino ang date niya sa GMA Gala 2023 na gaganapin sa Sabado, July 22.

Big deal ito para sa fans ng aktres dahil mainit ang suporta sa kanila ng kanyang onscreen partner na si David Licauco at may bago pa silang serye na pinamagatang Maging Sino Ka Man.

Marami ring tagahanga si Barbie at ang real-life boyfriend niyang si Jak Roberto, na date niya sa nakaraang gala.

Nag-react naman si Barbie sa isang tweet ng entertainment news page na Showbiz Banter na nagpost ng diskusyon kung sino nga ba ang dapat niyang makasamang maglakad sa red carpet.

Ani Barbie, "HAHAHAHA gusto ko yung ito na agad ang iniisip niyo. Samantalang ako, ginagawa ang lahat para magpagaling dahil may trabaho pa ko bago mag-Gala 🤒💊 not covid tho. Gumive up nalang talaga ang (sexy) body ko sa dami ng blessings this month. Amen 🙏🏻"

Sabi pa niya, "Pero gusto ko tong mga paganto ha? It's giving main character vibe! Nakakafretty, indeed! Char 😂😂😂"

Para sa mga hindi nakakaalam, ang "nakaka-fretty" ay isang expression ni Barbie na ang ibig sabihin ay "nakaka-pretty" or "nakakadagdag-ganda." Minsan na rin ginamit ito ni Barbie online bilang biro niya kay David.

Noong 2022, pumutok ang Barbie-David loveteam nang mapanood sila sa historical portal series na Maria Clara at Ibarra kung saan nakilala sila bilang FiLay.

Nasundan ang kanilang tambalan ng mga bagong proyekto, kabilang na ang Maging Sino Ka Man. May pelikula rin silang ginawa na ipalalabas sa big screen soon.

Ayon kay Barbie, itinuturing nila ni David na "business partnership" ang kanilang team-up.

Going strong naman ang relationship nina Barbie at Jak na nag-celebrate ng kanilang sixth anniversary noong Mayo.

BALIKAN ANG ICONIC TV CHARACTERS NI BARBIE: