What's Hot

Barbie Forteza returns to her old elementary school and donates appliances for her early birthday treat

By Felix Ilaya
Published July 21, 2017 10:00 AM PHT
Updated July 21, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News



Nakakatuwa ang ginawang pay-it-forward act ng ating Kapuso sa Pagkakaisa Elementary School sa Laguna. 

Ngayong Huwebes (July 20), bumisita si Barbie Forteza sa dati niyang elementary school, ang Pagkakaisa Elementary School sa Biñan City.

 

Barbie Forteza spends her afternoon with teachers and students from Pagkakaisa Elementary School #birthday #barbieforteza #kapuso #artistcenter @barbaraforteza

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Saad ni Barbie sa kaniyang interview, "Dito ako nag-elementary talaga sa Pagkakaisa Elementary School, mula grade one hanggang grade four bago ako magsimulang mag-commercials dati. Dito pa rin nagtuturo 'yung mga teachers ko dati. Sobrang saya! Wala silang pinagbago, lahat sila tuwang-tuwa na makita ako. 'Di nila naaalala na binagsak nila ako dati [laughs]."

Inalala ng Kapuso actress ang pinagdaanan nilang mga estudyante noong siya ay nag-aaral pa sa pampublikong paaralan. 

Aniya, "Sa isang maliit na classroom, dalawa lang 'yung electric fan namin 'eh ilan kami? Seventy na pupils! Sobrang init, sobrang siksikan kami. 'Yung upuan namin noon na kasya tatlo, pinagkakasya namin ang lima sa mahabang bench."

Hindi man prestihiyosong eskwelahan ang pinagmulan ni Barbie, inamin niya na puno ng masasayang alaala ang kaniyang stay sa Pagkakaisa Elementary School,"[Pero] dito 'yung best childhood memory ko 'nung elementary kasi after nito, nag-artista na ako so medyo naging pang-matanda na 'yung buhay ko."

Kaya naman para sa kaniyang early birthday celebration, sinikap ni Barbie na makapag-give back sa dati niyang paaralan.

"Naisipan namin ng Artist Center at ng sponsors ko na mag-donate ng 26 na stand fan sa mga classroom. Actually last year ko pa plano [ito] kaya lang 'yung ginawa ko, 'yung budget para sa last year inipon ko para ma-doble sa budget this year para madaming mabigyan. Mabuti naman at napagbigyan ako ng Artist Center," wika ng aktres.

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Ano naman kaya plano ni Barbie sa kaniyang birthday this July 31?

"Kung wala akong gagawin sa mismong birthday ko, gusto kong mag-roadtrip kasama ng family ko. Siguro punta kami somwhere north or sa Biñan para makasama namin 'yung mga kamag-anak namin. Ayoko mag-stay sa bahay kasi parang buong taon nasa bahay lang kami kahit Pasko. So gusto ko sa birthday ko, mag-iko tikot kami kahit saan, wala namang particular place."

Earlier this week, inanyayahan si Barbie ng Make-A-Wish Foundation upang paligayahin ang batang may sakit na leukemia.