
Maraming netizens ang talaga namang naintriga sa wedding-themed photos na in-upload ni Barbie Forteza sa kanyang social media accounts.
Sa showbiz report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ini-reveal kung ano ang real story sa likod ng nag-viral na photos ni Barbie na pinag-usapan ng fans kamakailan lang.
Ang photos pala na ito ay kuha mula sa wedding scenes ni Barbie para sa upcoming film na Saving Cherry.
Nasagot na rin ang tanong ng marami kung sino ang groom ni Barbie at siya ay si Khalil Ramos na co-star ng una sa pelikula.
Ayon sa Kapuso actress, may malalim na kuwento ang wedding photos at dapat itong abangan ng mga manonood.
Pahapyaw ni Barbie, “Mukha lang immaculate 'yung photos na pinost ko pero it's going to be a wild movie. Abangan n'yo po 'yan.”
Related gallery: Barbie Forteza's beauty continues to blossom in these photos
Samantala, abala rin si Barbie sa collab series ng GMA at ABS-CBN na Honor Thy Mother, kung saan kasama niya bilang lead star dito ang idolo niya at tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta.
Co-star din ni Barbie sa Honor Thy Mother ang katambal niya sa Saving Cherry na si Khalil Ramos.