GMA Logo Barbie Forteza
Source: barbaraforteza/IG
What's Hot

Barbie Forteza sa pagiging solo sa Valentine's Day: 'You really don't have to depend your happiness to anyone'

By Kristian Eric Javier
Published February 21, 2026 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza, masaya sa kaniyang self-love era noong Valentine's Day.

Solo man noong Valentine's Day, nilinaw naman ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na masaya niyang ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso. Sa katunayan, inilaan pa nga niya ito para sa sarili.

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa aktres para sa 24 Oras nitong Biyernes, pinatunayan ni Barbie na masaya ang kanyang naging solo date.

"Nag-movie date ako, nag-cafe date ako, nag-fancy dinner date ako, and then come Sunday morning, tumakbo ako," sabi ni Barbie.

Dagdag pa ng aktres, hindi naman dapat ikalungkot ang kawalan ng special someone. Sa halip, dapat ay mas mahalin muna ang sarili.

"Every day, treat yourself with kindness, full of love. You really don't have to depend your happiness on anyone," pagpapatuloy ni Barbie.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na binigyan ni Barbie ng oras ang sarili at ipinakita ang self love. Sa katunayan, noong January, nag-post ang aktres ng clip sa TikTok kung saan makikita siyang nagbabasa ng libro at nagkakape sa isang Korean vibes na cafe.

Ilang fans naman ang pumuri sa self-love era ng aktres at sinabing ito ang “the best” para sa kaniya.

"The era of loving yourself is always the best," sabi ng isang netizen

Isang fan naman ang nagkomento, "Yes to solo cafe dates!! Love this for you."

"Naging light and peaceful yung aura niya," pansin ng isa pang fan.

January 2, 2025 nang kumpirmahin ni Barbie ang hiwalayan nila ng long-time boyfriend at aktor na si Jak Roberto. Hindi na nagbigay ang aktres ng iba pang detalye tungkol sa hiwalayan, ngunit humingi siya ng privacy at respeto mula sa netizens.

Samantala, ilang fans naman ang nakapansin ng growing closeness nina Barbie at ng Kapamilya aktor at kapwa runner na si Jameson Blake. Madalas kasi silang nakikitang magkasamang tumatakbo sa mga karera, at lalong tumindi ang mga spekulasyon nang makita silang magkasama sa GMA Gala 2025.

Sa eksklusibong panayam ni Nelson Canlas, nilinaw ni Jameson ang totoong estado nila ni Barbie, “Well, I would just say na we're enjoying each other's company. She's a really good person and we have common interests.”

Panoorin ang panayam kay Barbie dito: