
Para kay Kapuso Primetime Princess at Pulang Araw actress Barbie Forteza, hindi naging madali ang pagbuo niya ng friendship sa onscreen partner at loveteam na si David Licauco.
Sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Barbie na hindi siya okay at first kay David. Kuwento niya, "The friendship that I've built... I always says I've built kasi nga hindi naman siya right away nag-click kami agad e, I mean lagi ko namang inaamin sa lahat na at first hindi ako okay with him.
"Kasi lagi siyang late," natatawang sabi ni Barbie.
Ayon pa kanya, "slowly but surely" ang nabuo niyang friendship kay David.
"Talagang dinahan-dahan namin kasi nga naman very surprising and very unexpected 'yung love team namin na thankfully naging successful.
"So biglang agad-agad every day na kami magkasama, every day na kaming magkatrabaho. Every day nakakakilig na 'yung mga eksena namin, mga ginagawa namin.
"So for two people na hindi naman close... ni hindi nag-uusap 'di ba [tapos] biglang ganu'n, mahirap po 'yon. Tapos magkaiba pa kayo ng work ethics. Magkaiba kayo ng routine sa trabaho, so mahirap siya talaga. Magkaibang-magkaiba po kami ni David."
Naniniwala rin si Barbie na nag-work ang love team nila ni David hindi dahil sa timing.
"Kasi nga po unexpected 'yung love team namin. Wala rin sa perfect timing po siya," paliwanag ng aktres.
"Pero kidding aside, feeling ko timing has nothing to do with the success of our love team. Siguro mas more on luck. Ang swerte lang talaga naming dalawa to have been part of a very important series na napakalaki ng impact tapos doon nag-pick up 'yung loveteam namin."
Matatandaan na nabuo ang love team nina Barbie at David matapos ang mahusay at nakakakilig na performance nila sa hit series na Maria Clara at Ibarra.
Related Gallery: David Licauco and Barbie Forteza's looks that prove they're a match
Sa ngayon, naghahanda sina Barbie at David para sa upcoming film na That Kind of Love na mapapanood na sa sinehan simula July 10.
Bukod dito, abala rin ang dalawa sa pagbabalik-tambalan sa inaabangang historical series na Pulang Araw, kung saan makikilala sila bilang Adelina Dela Cruz at Hiroshi Tanaka.
Makakasama rin nina Barbie at David sa serye sina Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo. Unang mapapanood ang Pulang Araw sa Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito ipalabas sa GMA Prime sa July 29.
TINGNAN ANG UNANG MGA LARAWAN NG CAST NG PULANG ARAW SA GALLERY NA ITO: