What's on TV

Barbie Forteza, sanay na sa mabibigat na eksena sa 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published October 31, 2024 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 19, 2025 [HD]
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Nasanay na si Barbie Forteza sa mga mabibigat na eksena niya sa 'Pulang Araw.'

Tumitindi pa lalo ang mga pagsubok ng karakter ni Barbie Forteza na si Adelina sa GMA Prime series na Pulang Araw.

Image Source: barbaraforteza (Instagram)



Nakaranas ng torture si Adelina at Hiroshi (David Licauco) sa kamay ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) dahil nais nitong malaman ang kinaroroonan ni Eduardo (Alden Richards) na isa nang guerilla fighter.

Nasanay na raw si Barbie sa mga ganitong klaseng eksena niya sa serye.

"Noong una, aaminin ko, katulad ni Alden, medyo may adjustment na nagaganap kasi mabigat nga 'yung materyal namin eh. Pero ngayon, medyo nasasanay-sanay na kami," pahayag ng aktres.

Natutunan na raw niya kasing bumitaw sa kanyang karakter sa pagitan ng mga eksena nito.

"I try my best to get out of the character the moment the director says 'cut.' Pero while I'm in the scene, while we're doing the scene, grabe 'yung epekto sa 'kin ng bawat eksena," lahad ni Barbie.

Masaya din daw siya sa suporta ni David na madalas niyang maka-eksena.

"Iba rin 'yung binibigay niya sa akin. Talagang full of love and very delicate talaga 'yung pag-approach namin sa eksena," bahagi niya.

Marami pa daw dapat abangan sa pag-usad ng kuwento ng Pulang Araw.

"Abangan po natin kung magkakahiwalay bang muli si Adelina at si Hiroshi. Malalaman din natin kung ano ang masakit na magaganap sa pamilya ni Adelina," aniya.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.

Panoorin ang buong interview ni Aubrey Carampel kay Barbie Forteza para sa 24 Oras sa video sa itaas.