
Parehong mapapanood bilang lead actresses sa upcoming series na Honor Thy Mother sina Barbie Forteza at Sharon Cuneta.
Sa interview ni Aubrey Carampel kay Barbie na ipinalabas sa 24 Oras, inilarawan ng huli ang closeness nila ni Sharon at kung gaano siya kabait bilang co-star.
Ayon sa Kapuso actress, “It would be overwhelming for someone like me na bata pa lang pinapanood na siya pero she's very generous in getting close to her co-actors. She even told me to call her Mama.” Ganyan, sobrang bait, sobrang loving.”
Bago pa ito, una nang ibinahagi ni Barbie na longtime idol niya si Sharon kaya naman sobrang grateful siya sa opportunity na natupad na ang pangarap niyang makatrabaho ang tinaguriang Megastar.
Sa isang Instagram post, inilarawan naman ni Sharon si Barbie bilang kanyang sweet girl.
Ramdam sa photos na inupload niya na close na close na sila ng Kapuso star at tila mother-daughter na rin ang turingan nila sa set ng kanilang first project together.
Ongoing ang taping para sa series na Honor Thy Mother, kung saan katrabaho rin nina Barbie at Sharon ang mga aktor na sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, RK Bagatsing, at iba pa.
Related gallery: 'Honor Thy Mother' actors, ipinakilala sa storycon
Ang Honor Thy Mother ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video na talaga namang dapat abangan ng mga manonood.