
Tampok si Kapuso actress Barbie Forteza sa upcoming feel-good telemovie special na "My Birthday Wish."
Bahagi ito ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!
"Ako po dito si Joanna na nabigyan ng once-in-a-lifetime chance na balikan 'yung aking younger self. I was given the chance to change my past. 'Yung character ni Joanna marami siyang gustong baguhin sa buhay niya," kuwento ni Barbie tungkol sa kaniyang karakter.
Sa 'di inaasahang pagkakataon, babalik ang 50-year-old housewife na si Joanna sa kaniyang nakaraan bilang isang 25-year-old na dalaga.
"Not necessarily na malungkot siya sa current life situation niya. It's just that minsan kahit naman siguro tayong lahat meron tayong moment na iniisip natin 'Paano kaya kung tinuloy ko 'yung ganito?' or 'Paano kaya kung hindi ako nagpakasal agad?' or 'Paano kaya kung nag-travel muna ako bago ako nag-settle?' -- 'yung mga ganoong 'what ifs' sa buhay," paliwanag ni Barbie.
Talagang napapanahon daw ang mga ganitong uri ng kuwento kaya sigurado raw siyang maraming makaka-relate rito.
"Para sa akin, relevant siya ngayon kasi lahat tayo gusto nating balikan 'yung panahon na hindi pa pandemic, na wala pang COVID, na personal pa tayong nagkikita-kita. Para sa akin, it's very relatable kasi lahat mapapaisip talaga na 'Ako kaya, kung bibigyan ako ng chance na baguhin ang past ko, aling past 'yung babalikan ko at ano 'yung change na gagawin ko?'" bahagi ng aktres.
Excited na rin daw si Barbie na mapanood ito ng mga Kapuso dahil siya mismo ay naaliw sa pagbuo ng kuwento nito.
"Ang saya, ang fun. It's a romantic comedy, drama. Sobrang witty noong script. Ang rich noong material kaya nag-enjoy din talaga akong gawin," aniya.
Makakasama rin ni Barbie sa episode sina Royce Cabrera, Julian Roxas, at Sarah Edwards sa episode na isinulat at idinirek ni Easy Ferrer.
Abangan ang kuwento tungkol sa second chances sa "My Birthday Wish" sa Regal Studio Presents, August 21, 4:35 p.m. sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: