Ginulat ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang lahat nang mag-two piece swimsuit siya para sa kanyang primetime series na Meant To Be.
Naiulat kahapon, February 21 sa 24 Oras ang ginawang pagsusuot ng dalaga ng itim na bikini para sa isang episode ng show na kanyang pinagbibidahan.
Matapos ang nasabing interview, inulan na si Barbie ng napakaraming comments mula sa mga tagahanga at maging mga kaibigan sa industriya.
Maging ang kanyang social media account ay binaha ng mga positibong komento patungkol sa maituturing na bold move ni Barbie.
Samantala, ang isa sa kanyang leading man sa Meant To Be na si Ken Chan ay nag-iwan din ng isang nakakakilig na comment para sa dalaga.
MORE ON BARBARA FORTEZA:
LOOK: Barbie Forteza, Mika Dela Cruz & 'Meant To Be' boys in their swimwear
LOOK: Sizzling bikini photos of Barbie Forteza in Laiya, Batangas