GMA Logo Barbie Forteza
Source: barbaraforteza/IG
Celebrity Life

Barbie Forteza talks vanity: 'Ayoko nang tumingin sa salamin'

By Kristian Eric Javier
Published June 24, 2025 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Bakit kaya hindi sanay si Barbie Forteza na nakikita ang sarili sa salamin, lalo na tuwing personal time niya? Alamin dito.

Hindi maipagkakaila na isa sa mga pinakamagandang Kapuso actresses ngayon si Barbie Forteza. Ngunit ayon sa Kapuso Primetime Princess, mahirap para sa kaniya ang makita ang sarili sa salamin, lalo na kapag normal na araw at wala namang special events.

Sa pagbisita niya sa vlog na “Dollywood PH,” napag-usapan nila ni Dolly Carvajal ang tungkol sa pagiging vain, at kung papaanong “favorite sin” din ito ng mga lalaki. Pero nang tanungin siya kung vain din ba siya, sinabi ni Barbie na parte lang iyon ng kaniyang trabaho.

“Siguro po dahil lang parte siya ng trabaho ko pero hindi naman to the point na 'pag lumalabas po kasi ako, kunyari errand, hindi po ako halos nagme-makeup, hindi rin po ako masyadong [Dolly: Deglamorized] oho, hindi po talaga,” pagbabahagi ni Barbie.

Pagpapatuloy pa ng aktres, simple lang siyang manamit tuwing lumalabas. Sa katunayan, madalas ay nakapantalon at t-shirt lang siya sa mga ganitong pagkakataon.

TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NI BARBIE SA SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO:

Tinanong din siya ni Dolly kung siya ba 'yung tipong kapag may nadaanan na salamin ay tinitingnan ng husto ang sarili.

Sagot ni Barbie, “Actually, may something po sa akin na kapag normal na araw, hindi ko alam if it's psychological, ayokong tumingin sa salamin.”

Wika niya ay dahil lagi na lang siyang nasa spotlight, o kaya naman ay nasa harap ng salamin para magpa-glam, sinabi niyang ayaw na niyang tumitingin sa salamin kapag personal time na niya.

Samantala, abangan si Barbie sa GMA, Viu, at CreaZion Studios drama series na Beauty Empire soon on GMA.