
Thankful ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza para sa nagdaang taong 2025.
Sa kanyang New Year post sa Instagram, sinalubong ni Barbie ang 2026 kasama ang kanyang pamilya at fur babies.
"Thank you, 2025. You were definitely a crazy ride but you taught me to enjoy every moment," sulat ng aktres.
Ready na rin si Barbie para sa bagong taon: "2026, you got big shoes to fill. Let's get it."
Sa kanyang Instagram stories, manifesting si Barbie "to more runs," na parte na kanyang goal para sa mas malusog na pangangatawan.
Photo by: barbaraforteza (IG)
Samantala, inilabas na ang teaser para sa bagong pelikulang kinabibilangan ni Barbie, ang Until She Remembers, na isinulat at idinerehe ni Brillante Mendoza.
Panoorin ang teaser dito:
Tingnan ang ilan sa iconic teleserye characters ni Barbie Forteza sa gallery na ito: