GMA Logo Barbie Forteza
What's Hot

Barbie Forteza, umaasang makakagawa na ulit siya ng mga pelikula

By Maine Aquino
Published November 23, 2021 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Isa sa mga future plans ni Barbie Forteza ay makagawa pa ng maraming pelikula.

Marami pang gustong gawin sa kaniyang showbiz career ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Ibinahagi ito ng award-winning actress sa isang interview pagkatapos niyang mag-renew ng kaniyang kontrata sa GMA Network nitong November.

Ayon kay Barbie, "Gusto ko po sana makagawa pa ng maraming pelikula."

Photo source: @barbaraforteza

Kuwento ni Barbie, hiling niyang makakuha na muli ng movie projects dahil binuksan na ang mga sinehan pagkatapos ng halos dalawang taon na pagsasara dahil sa COVID-19 pandemic.

"Kasi ngayon 'di ba balik na ang mga sinehan? So sana mabigyan ako ng pagkakataon ulit ng pelikula whether it be independent film or mainstream. Iba kasi din ang disiplina sa pelikula at sa teleserye."

Kung mabibigyan ng bagong teleserye ng GMA Network, action naman ang gusto niyang masubukan. Pag-amin ni Barbie, "Gusto ko siguro medyo action para ma-challenge ako."

Bukod sa mga plano niya sa kaniyang career, ipinaabot din ni Barbie ang pasasalamat niya sa mga patuloy na naniniwala sa kaniyang talento sa loob ng 12 years sa showbiz.

"Sa aking mga kaibigan, Barbienatics and JakBie worldwide, parang I can't put into words kung gaano ako nagpapasalamat dahil kung tutuusin wala naman ako dito kung wala din sila, e."

Saad pa ni Barbie, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng fans sa kaniya.

"Ibang klase talaga 'yung pagmamahal nila, 'yung suporta nila kahit anong gawin ko, kahit sino ang kasama ko sa proyekto talagang nandiyan sila. Malinaw sa kanila na ako ang sinusuportahan nila."

Ayon sa Kapuso star, puno ang kaniyang puso ng pasasalamat sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

"To get that kind of support and love from a large group of people. Grabe, Very humbling po siya sa akin."

Alamin ang iba't ibang iconic roles ni Barbie sa GMA Network sa gallery na ito: