
Ayon kay Barbie, hindi na nila kailangang mag-adjust ni Andre Paras sa isa't isa para sa bago nilang Telebabad soap.
By GIA ALLANA SORIANO
Balik tambalan sina Andre Paras at Barbie Forteza this 2016 sa bago nilang soap titled That’s My Amboy.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, pinahayag naman ng aktres na excited siyang makatrabaho muli ang kanyang The Half Sisters leading man.
Aniya, “Sobrang saya, 'tsaka excited kasi kaibigan ko naman talaga si Andre. Talagang makulit naman talaga kaming dalawa, so this time magagamit namin nun on-cam. Kasi 'yung huling show naming dalawa heavy drama, so talagang pigil na pigil kami [na magkulitan.] Ngayon, masaya ako kasi hindi na naming kailangan mag-adjust.”
Ano naman ang mga gustong characteristics ng dalaga kay Andre?
Ika niya, "Sobrang komportable na ako kay Andre, dahil napaka-gentleman naman, sobrang sweet, ganyan. 'Tsaka parehas kaming nagtutulungan sa mga scenes namin."
Abangan ang That's My Amboy ngayong January 2016 sa GMA Telebabad!