
Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang ilan sa costumes ng Kapuso stars na dumalo sa annual Sparkle Spell event sa Xylo at The Palace nitong October 22.
Agaw pansin sa big Halloween event ng Sparkle GMA Artist Center ang hunks na nagsuot ng costume bilang “Pirate Hunter” Roronoa Zoro sa hit live-action adaptation na One Piece.
Ilan sa mga ito ay sina Pambansang Ginoo David Licauco, Anthony Rosaldo, Sandro Muhlach, at Jak Roberto.
At mukhang hindi pa tapos ang Sparkle Spell fever dahil ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial, kinaaliwan ng netizens ang naging post sa Facebook nitong Lunes.
Ibinahagi ni Barbie ang isang direct message ng isang netizen kung saan tinatanong siya nito kung sinong Zoro ang pipiliin niya: si David ba o si Jak.
Sabi ng aktres sa caption ng post, “Wrong send po kayo.”
Sa panayam naman kay Barbie Forteza ng 24 Oras, hindi nito maiwasang matawa na nagkapareho ng costume ang boyfriend niyang si Jak at kanyang leading man sa primetime series na Maging Sino Ka Man.
Lahad ng Kapuso Primetime Princess, “Alam mo, tawang tawa ako sa kanilang dalawa. Parang nag-usap sila.”
STUNNING COSTUMES AT THE SPARKLE SPELL 2023: