GMA Logo barda fan club donation turnover to save the children philippines
What's Hot

BarDa fans donate P100k to Save the Children PH

By Jansen Ramos
Published August 6, 2025 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga suspendidong klase sa Huwebes, January 15, 2026
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

barda fan club donation turnover to save the children philippines


Nagsanib-pwersa ang fans nina Barbie Forteza at David Licauco para makalikom ng funds para suportahan ang edukasyon at emergency relief para sa mga batang tinutulungan ng humanitarian organization na Save the Children Philippines, kung saan nagsisilbing ambassadors ang dalawang Sparkle artists.

Nagtulong-tulong ang fans nina Barbie Forteza at David Licauco para mangolekta ng donasyon for a good cause.

Imbes na bumuo ng fan gatherings, pinili ng mga miyembro ng fan club ng BarDa na maglunsad ng online donation drives para ipagdiwang ang kaarawan nina Barbie at David. Ipinanganak si Barbie, 28, noong July 31, samantalang June 15 naman si David, 31.

Nakalikom ang grupo ng Php 100,000 na kanilang ibinigay sa humanitarian organization na Save the Children Philippines, kung saan nagsisilbing ambassadors ang dalawang Sparkle artists.

Ang inisyatibong ito ay nais suportahan ang edukasyon at emergency relief para sa mga batang tinutulungan ng organisasyon.

Noong Martes, August 5, pormal na itinurn over ng BarDa fan club ang kanilang naipong funds sa opisina ng Save the Children Philippines sa Quezon City.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang CEO ng Save the Children Philippines na si Atty. Alberto Muyot sa mga tagasuporta nina Barbie at David dahil sa kanilang mabuting intensyon.

Ani Muyot, "Yung naitulong po ng BarDa FC will really go a long way, especially now na nagre-respond po kami doon sa calamities brought about by the recent typhoons at habagat, at saka po 'yung pagbaha. At wala pong maliit na contribution because every contribution that you give is from the heart and it goes doon sa mga bata na nangangailangan."

Bilang tanda ng kanilang makabuluhang partnership, nagpalitan din ng regalo ang BarDa fan club at ang organisasyon.

"We came together not just as fans, but as a united community committed to making a difference,” ika ni Geraldine Mallillin ng BarDa FC.

Samantala, napapanood si Barbie sa GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series Beauty Empire. Si David naman ay may bagong aabangang serye na pinamagatang Never Say Die.

Noong Hulyo, inanunsyo na magkakaroon ng guest appearance si David sa Beauty Empire. Ito ang kanilang reunion on-screen ni Barbie matapos ang GMA Prime series na Pulang Araw.

NARITO ANG ILANG LARAWAN NINA BARBIE AT DAVID SA SET NG 'BEAUTY EMPIRE'.