
Marami ang nasorpresa sa pagdalo ni Baron Geisler sa Preview Ball 2025 kasama ang kanyang anak kay Nadia Montenegro na si Sophia Asistio.
Sa mismong event, sabay na dumating sa event at lumakad sa champagne carpet ang mag-ama.
Magkasama ring humarap sa miyembro ng press at mga camera sina Baron at Sophia.
Nito lang August 2025, spotted sa isang salu-salo sina Baron, kanyang asawa na si Jamie, Nadia, at Sophia para sa 19th birthday celebration ng huli.
Samantala, sina Baron at ang kanyang partner na si Jamie ay mayroong anak--si Talitha Cumi.
Matatandaang sa isang panayam noong Mayo, kinumpirma ni Nadia na nasa pangangalaga ni Baron si Sophia para sa preparation nito sa college.
RELATED GALLERY: Baron's new life as a husband and dad