GMA Logo Precilla Rebutar
What's Hot

Basahan vendor na niloko ng kostumer, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published March 26, 2022 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Precilla Rebutar


Wish ng viral na basahan vendor na si Lola Precilla Rebutar, tinupad ng 'Wish Ko Lang.'

Kahit matanda na at mahina na ang pangangatawan, patuloy na nagsusumikap si Lola Precilla Rebutar para may maipakain sa apo na mag-isa na lamang niyang binubuhay dahil pumanaw na ang ama nito.

Naninirahan si Lola Precilla at ang kanyang apo sa Barangay Gayagaya, San Jose Del Monte, Bulacan. Dito rin siya matiyagang nagbebenta ng basahan kahit na ang kinikita ay sapat lamang para sa pagkain nila araw-araw.

Kaya naman hindi natiis ni Roselyn Marin na i-post ang panloloko ng isang kostumer kay Lola Precilla na agad na nag-viral sa social media.

Ayon kay Roselyn, nakaupo siya nang lumapit sa kanya si Lola Precilla at alukin ng itinitinda nitong basahan na nagkakahalaga ng PhP30 ang isa. Dito na rin nalaman ni Roselyn ang malungkot na nangyari kay Lola Precilla sa buwenamano sana nitong kita.

"Nagkuwento po siya sa amin ng ate ko. Sabi niya, 'Ineng alam n'yo ba bwenamano ko hindi ako binalikan. Kumuha ng dalawang basahan tapos sabi may bibilhin lang hindi na ako binalikan," kuwento ni Roselyn sa Wish Ko Lang.

Dagdag niya, "Tapos mamamalengke na sana ako nakita ko na naman si nanay nagpahinga tapos sabi ko 'Oh nay bakit ka po nakaupo riyan?' Nauuhaw at napapagod na raw po s'ya. Tapos binilhan ko po ng softdrinks at biskwit silang dalawa ng apo n'ya."

Kaya naman ang #InstantWish ni Lola Precilla agad na binigyang katuparan ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Handog ng programa ang Wish Ko Lang savings para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin nina Lola Precilla at ng kanyang apo.

Tulad ni Lola Precilla, may #InstantWish ka rin ba na gustong matupad?

Abangan kung kaninong #InstantWish ang susunod na bibigyang katuparan ng Wish Ko Lang.

Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: