What's Hot

Basahang Ginto, isang magandang experience para kay Carla

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 10, 2020 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd allocates P100M for AI center
Solenn Heussaff shares more snaps from family's snowy Japan trip
Owl chicks rescued in Davao del Sur

Article Inside Page


Showbiz News



In this exclusive interview with Carla, nagkuwento siya tungkol sa kanyang kakaibang experience sa Mars Ravelo’s Basahang Ginto.
In this exclusive interview with Carla, nagkuwento siya tungkol sa kanyang kakaibang experience sa ‘Mars Ravelo’s Basahang Ginto’. Text by Karen de Castro. Photo by Connie M. Tungul. starsIsang napakagandang experience para kay Carla Abellana ang kanyang pagiging kabilang sa Mars Ravelo’s Basahang Ginto. Habang patuloy na gumaganda ang istorya nito ay patuloy din na pinagbubuti ni Carla at ng kanyang ka-love team na si Geoff Eigenmann ang kanilang pag-arte sa nasabing drama. Ayon kay Carla, iba ang kanilang naging approach dito. “[This is our] fourth project together. Oo, iba naman [ang approach],” says Carla sa isang exclusive interview with iGMA sa set ng Basahang Ginto. “And maganda naman kasi yung characters. Bagay sa kanya yung character niya, sobrang lapit to who he is e. Ako naman, sobrang layo, ang opposite.” Not too long ago ay inamin ni Carla na medyo nahirapan siya sa kanyang character dahil sa kakaiba nga ito mula sa kanya, ngunit nakapag-adjust na siya dito ngayong matagal-tagal na niyang ginagampanan ang role na Orang. Ano kayang mga preparations ang kanyang ginagawa bago mag-taping para mapadali ang kanyang pagganap? “I read my lines. I read the script and memorize my lines days before pa lang. As soon as we get the script, we read it right away tapos we try to memorize everything na, we try to memorize as much as possible para pagdating ng taping day hindi na on the set nagme-memorize ng lines,” kuwento niya. “Tapos siyempre, better if you sleep early the night before para hindi ka male-late, tapos you have all the energy for the day.” Inamin naman niyang hindi pa niya napapanood ang original na Basahang Ginto. Ano kaya ang kanyang ginagawang modelo para sa kanyang character, lalo na ngayong nagiging mas komplikado ang mga eksena ni Carla bilang si Orang? “Wala e. Ang hirap e, from scratch talaga, sariling characterization and internalization, sariling atake, and of course with the guide of Direk Joel [Lamangan],” she admits. Ano naman kaya sa tingin ni Carla ang mga characteristics ni Orang na naging dahilan para ibigin siya ni Danny? “I think yung pagmamahal niya at saka yung pagmamalasakit niya sa tao, at saka yung pagmamahal niya sa family niya, na parang kahit sinong tatapak o mag-aattempt na tumapak ay talagang may aabutin sa kanya,” sagot niya. Matuloy kaya ang kasalang Danny at Orang, o tuluyan silang maghiwalay dahil mas pipiliin ni Orang na magkaayos sina Danny at Donya Marina? Patuloy na subaybayan ang Basahang Ginto every afternoon, sa Dramarama sa Hapon ng GMA. Pag-usapan si Carla sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Carla. Just text CARLA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) CARLA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.