
Isa sa mga sikat na foreign vloggers sa Pilipinas ay ang Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil.
Nito lamang August 21, ginulat ni Basel ang kaniyang fans at followers nang ibahagi niya sa Instagram ang isang larawan niya habang katabi ang isang sanggol na kaniya na palang anak.
Bukod sa Instagram post, isang bagong vlog din ang ini-upload ng tinaguriang Adopted Son of the Philippines sa YouTube na pinamagatang “Our EMOTIONAL 'BIRTH VLOG'" [Philippine Flag icon] I Cried [cry emoji] (I'm a FATHER Now)”
Kasunod ng rebelasyon na ito, ilang pagbati ang kaniyang natanggap mula sa kaniyang subscribers at mga tagahanga.
Ngunit bukod dito, may request din sila kay Basel, ang i-reveal nito kung sino ang mommy ng kaniyang healthy at adorable baby boy.
Ayon sa isang pahayag ng content creator, siya ay mula sa Homs, ang pangatlong pinakamalaking siyudad sa Syria.
Ngunit nang magkagulo sa kanilang bansa dahil sa giyera at nasira ang kanilang tinitirhan ay napilitan siyang magtungo sa ibang bansa.
Isa si Basel sa vloggers na marami nang natulungang mga tao at sa mga patuloy na tumutulong sa napakaraming Pilipino.
Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 4.88 million subscribers sa kaniyang Youtube channel at mayroon namang 3.3 million followers sa Facebook.
SAMANTALA, KILALANIN ANG VIRAL AT INSPIRING COUPLE CONTENT CREATORS SA PILIPINAS SA GALLERY SA IBABA: