GMA Logo Willie Miller at Frankie Lim in Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Basketball legends na sina Willie Miller at Frankie Lim at kani-kanilang pamilya, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published April 23, 2026 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder cruise past Suns again but lose Jalen Williams to injury
El NiƱo alert issued by PAGASA
Bangusine 2026 draws crowd to Dagupan food showcase

Article Inside Page


Showbiz News

Willie Miller at Frankie Lim in Family Feud


Abangan ang showdown ng Miller Family at Lim Family sa 'Family Feud' ngayong April 23.

Survey showdown ng dalawang basketball stars ang mapapanood sa Family Feud ngayong Huwebes.

Ngayong April 23, may "summer tawa, summer saya" na tapatan ng dalawang kilalang pamilya sa mundo ng basketball. Isang exciting na episode ito na magpapakita ng kanilang galing, diskarte, at sportsmanship sa Family Feud.

Ang Miller Family ay pinangungunahan ni Willie Miller, isa sa PBA's 40 Greatest Players, at kilala siya sa kanyang pagiging kalmado sa gitna ng matitinding laban at apat na beses nang naging kampeon. Ngayon, ipakikita niya sa Family Feud ang kanyang focus bilang coach at haligi ng pamilya.

Kasama niya ang kanyang asawang si Cate, na isang avid baker; ang kanilang anak na si Dre, isang rising NCAA player mula sa Arellano University; at ang kanyang pinsan na si Geric Albero, isang basketball coach at motivational speaker.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa kabilang panig naman ang Lim Family na pinangungunahan ni Frankie Lim. Kilala siya sa kanyang matagumpay na karera kasama ang San Beda Red Lions sa NCAA at sa PBA.


Kasama niya ang team ng mga achievers. Si Olen “Ms. O” Lim na isang image consultant at negosyante na nagsimula bilang modelo; si Melo Lim na limang beses na NCAA champion at ngayon ay PBA assistant coach; at si Tyler Lim na isang college student na mahilig mag-collect ng football jerseys.

Exciting showdown ang masasaksihan sa fresh episode ng Family Feud ngayong April 23, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.