
Unang ipinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho si Daxen noong Mayo 2022. Anak ng isang overseas Filipino worker (OFW), ang batang ito ay nagbabalat, nagsusugat, at nagdurugo ang balat. Ang mas masakit para sa bata, hindi niya makapiling ang inang domestic helper sa Singapore. Tuluyan na rin nanghina si Daxen hanggang sa hindi na halos ito makahinga.
Mula sa simpleng pantal, tuluyang lumala ang kondisyon ng balat ni Daxen.
Makalipas lang ang ilang linggo, dahil sa tulong ng mga manonood ng KMJS, ang kaniyang mga sugat sa balat, unti-unti nang gumagaling. At sa pag-uwi ng kaniyang inang OFW mula Singapore, isang mas masiglang Daxen ang sumalubong sa nawalay na magulang.
Ano kaya ang karamdaman ni Daxen at paano ito tuluyang maghilom? Panoorin sa KMJS.
Para sa mga nais tumulong sa patuloy na pagpapagamot kay Daxen, maaaring magdeposito sa:
Bank of the Philippine Islands (BPI)
Account Number: 2339 1282 54
Account Name: Christopher Sacquior Eiman
GCash
RICHARD EIMAN
09991511702
Balikan ang ilang inspiring episodes ng KMJS: