
Isang bittersweet love story ang hatid ng I Heart Movies ngayong linggo.
Mapapanood kasi rito ang pelikulang Batanes, starring Iza Calzado at F4 member Ken Chu.
Kuwento ito ni Pam (Iza Calzado), isang Manila girl na mai-in love sa Ivatan na si Rico (Joem Bascon). Iiwan niya ang buhay sa Maynila at sasama siya kay Rico sa Batanes para magpakasal at magsimula ng sarili nilang pamilya.
Isang araw, hindi nakauwi si Rico mula sa pangingisda. Maiisip ni Pam na umuwi na lang sa Maynila ngayong wala na ang kanyang asawa.
Pero bigla niyang matatagpuan ang Taiwanese na si Kao (Ken Chu), na walang malay sa isang isla. Aalagaan niya si Kao kahit na hindi ito tanggap ng kanilang pamayanan dahil karaniwang illegal fishers ang mga Taiwanese sa Batanes.
Huwag palampasin ang Batanes, July 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Panoorin din ang makabuluhang independent film na Dance of the Steel Bars na pinagbidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.
Inspired by the Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.
Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.
Abangan ang Dance of the Steel Bars, July 12, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.