
Naging avid viewers man ni Kris ang mga bata ay tila hindi sila sanay na makitang out of character ang kanilang iniidolo.
By CHERRY SUN
Ikinuwento ng Little Nanay star na si Kris Bernal kung paano siya napalapit sa mga bata dahil sa kanyang pinagbibidahang Kapuso primetime drama. Naging avid viewers man niya ang mga bata ay tila hindi sila sanay na makitang out of character ang kanilang iniidolo.
Sa Instagram post ni Kris ay ibinahagi niya ang kanyang litrato kasama ang isang batang fan. Aniya, “Tuwang-tuwa siya kay Tinay na hindi siya sanay [makita ako]as Kris Bernal.”
READ: Kris Bernal, muntik nang bawian ng Little Nanay role?
Patuloy niya, “Ilang beses niya ako tinanong kung ako si Tinay. Ayaw niya maniwala, hanggang sa inarte ko na.”