
Matinding saya at talento ang hatid ng Family Feud ngayong Lunes, July 13, dahil maghaharap ang dalawang grupo ng batang performers na siguradong magpapabilib sa viewers.
Unang sasabak ang Team Extreme Kids na binubuo ng mga batang kilala sa kanilang nakakabilib na acrobatic, contortion, at unicycle performances.
Mapapanood sa kanilang grupo si Than-Than Aganan, 12, isang acrobat at unicyclist na mahilig ding maglaro ng basketball. Makakasama niya sina Aljelyn Reyes, 9, isang mahusay na contortionist; Felix Gabanan, 9, isang acrobat at contortionist na hilig din ang basketball at pagkanta; at Menggay Aganan, 10, isa ring talented na acrobat at contortionist.
Makakatapat naman nila ang Little Magicians, ang grupo ng young magicians na handang magpakitang-gilas gamit ang kanilang astig magic tricks.
Pinangungunahan ang grupo ni Shanilo "Shan" Dabu, 12, na bukod sa pagiging magician ay mahilig ding mag-basketball. Kasama rin niya si Yuri The Magician, 8, na napapabilib ang audience sa kanyang mga magic trick; si Carly Bernice Jorge, 8, na bukod sa magic ay hilig din ang pagkanta at pagmo-model; at si Jirah Jade Payanan, 10, na mahilig din sa badminton at modeling.
Kaninong kiddie group ang magwawagi sa Family Feud? Tutukan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 13, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.