
Noong 2007, kinagiliwan ng mga manonood ang Kapuso fantasy series na Super Twins na pinagbidahan nina Nadine Samonte at Jennylyn Mercado.
Kambal na superheroes ang papel nina Jennylyn at Nadine sa Super Twins.
Si Jennylyn ang gumanap na Super S, habang si Nadine naman ang gumanap bilang Super T.
Sumikat nang husto ang kanilang fantaserye, maging ang kanta at sayaw na kanilang ginagawa doon tuwing sila'y magpapalit anyo bilang superheroes.
Tila walang bata ang hindi nakakaalam noon ng kanta o chant sa Super Twins na: “Kapangyarihan ng araw, taglay ay liwanag, kambal na lakas, kami ang super twins."
Nakasama rin nina Jennylyn at Nadine sa nasabing serye si Dennis Trillo bilang Eliazar at sina Ella Cruz at Nicole Dulalia, na siyang gumanap bilang ang batang bersyon ng karakter nila na sina Sha-sha at Tin-tin.
Matapos ang higit isang dekada, kukumustahin ng Tunay na Buhay host na si Pia Arcangel sina Ella at Nicole.
Nasaan na kaya sila ngayon at ano na ang kanilang pinagkakaabalahan?
Abangan lahat 'yan sa Tunay na Buhay ngayong Miyerkules, 10:30 a.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Tunay na Buhay sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Alamin kung nasaan na ang iba pang dating Pinoy child stars.