
Isang bata sa Catarman, Northern Samar ang nakuryente nang tangkain nitong kuhanin ang saranggolang sumabit sa isang poste ng kuryente.
Pasadong 3:00 ng hapon nitong June 25 sa nasabing lugar nang biglang mawalan ng kuryente dahil isang bata ang nakabiting patiwarik sa 40 talampakang poste ng kuryente.
Pilit daw kasi nitong kinuha sa transformer ang sumabit na saranggola.
Isang bata sa Catarman ang nakuryente nang tangkain nitong kunin ang sumabit niyang saranggola.
Ang bata sa viral na video ay ang apat na taong gulang na si Julius, anak nina Lauro Tan at Jenalyn Torro.
“Nung araw na 'yon, pumunta kami sa bukid. Tumawag 'yung pinsan ko, 'Umuwi ka na kasi nandoon 'yung anak mo nakuryente,” ibinahagi ni Lauro.
Lauro Tan
Ayon kay SF02 Ariel P. Tan, Administration Officer ng BFP-Catarman Central Fire Station, may posibilidad na magdulot ng sunog ang pagkakasabit ng saranggola sa mga poste ng kuryente.
“May posibilidad na mag-cause ng fire lalung-lalo na 'pag 'yung saranggola na ano sa line ng kuryente. Kung pipilitin ng bata na kunin 'yung saranggola, may posibilidad na baka maputol at tsaka mapunta 'yung wire sa residential. Posible ring makuryente 'yung bata,” aniya.
Nang maabutan ni Lauro ang anak niyang nakasabit pa, “Nawalan ng malay 'yung anak ko. Hindi na gumalaw.”
Hanggang sa gumawa na ng sariling paraan si Julius habang nakasabit. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo. Nagawang matanggal ng bata ang kanyang paa sa pagkakasabit. Doon siya narespodehan ng isang lokal na residente hanggang sa mailigtas.
“Nu'ng dumating 'yung kaibigan ko siya ang naglakas-loob na umakyat para kunin 'yung bata ko,” lahad ni Lauro.
Ang sumagip sa kanya ay si Eddie Ladisto.
“Sabi nila, 'Wag kang pumunto roon kasi kuryente 'yon.' Sabi ko, 'Hindi, bahala na. Ang importante buhay 'yung bata.”
Samantala, nalapnos ang likod at kanang balikat at braso ni Julius at nagtamo siya ng first degree burns.
“Pagkamalay ko, masakit pa. Dito at saka dito. Dito rin at saka dito,” pahayag ni Julius.
“Sabi kasi ni Ate Yanyan, nandoon ang saranggola. Pag-akyat ko, nakatutok na ako sa saranggola, diretso na akong nahulog. Kaya umiyak ako tapos nag-brownout. Diretso sunog ang buhok ko pati damit ko nasunog din.”
Si Julius ang batang nalapnos ang balat matapos sumabit sa poste ng kuryente.
Nagpapagaling na si Julius sa bahay ngayon at natuto na raw siya sa malagim na kanyang sinapit.
“Ngayon 'pag may saging kami basta 'pag hinog na sinusungkit ko na lang para abutin,” dagdag pa niya.
Kwento pa ng kanyang ama, sinabi raw ng bata na hindi na siya maglalaro ng saranggola.
'KMJS': Ang babaeng hindi tumatanda?
KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?
Hindi malilimutan ni Julius ang aral na kanyang natutunan sa kanyang sinapit.
Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: