
Puno ng kilig at tawanan sa fun noontime program na It's Showtime kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition star Kira Balinger.
Nitong Miyerkules, July 23, agad naghiyawan ang madlang people nang lumabas ang aktres bilang hurado sa masayang segment na "Breaking Muse."
"Grabe si Kira mukhang prinsesa," ani Vhong Navarro.
"Princess na princess. How are you Kira?" tanong ni Kim Chiu.
"Maayos naman po ate. Medyo go-hard sa gym," sagot ni Kira sabay flex ng kanyang fitness progress.
Habang nagtatawanan at nagkukulitan, tinanong ng hosts kung may gustong batiin si Kira sa live TV.
"Mommy ko! Hi mom! I know you're watching. I love you," masayang bati ng aktres.
Pero siyempre, hindi pinalagpas nina Kim at Vhong ang pagkakataong asarin ang kapwa Kapamilya star.
"Bukod kay mommy?" hirit ni Kim.
"Sino pa ba nanonood sa'yo?" dagdag ni Vhong.
Napangiti na lang si Kira bago binanggit ang pangalan na inaabangnan ng fans.
"Hi, Josh [Ford], eme! Binati talaga," sigaw ni Kira, na lalong ikinakilig ng fans sa studio at online.
Agad pinusuan ang munting “KiSh” moment sa social media, lalo na sa X (dating Twitter).Naalala rin ng ilang fans ang request noon ni Josh sa kanilang dating livestream na gusto niyang ma-shoutout siya ni Kira sa susunod nitong live appearance.
Kung emotional roller coaster sa AZMILIO at AZRALPH which makes me hooked even more.
-- Ms. Bubbly (@new_me23963) July 22, 2025
Etong KISH kalmado na malaki possibility lumayag both on screen and off screen na para bang deserved nila ung isa't-isa. Perfect match na.
Same din talented. https://t.co/sMbpPkPPiO pic.twitter.com/hTqgQ42xkn
See you soon, take care👋 ---- Ta-Kir-a 😆#KiSh #KiraBalinger #JoshFord pic.twitter.com/kFYCzAv9Bj
-- Granny J. (@bearyiiiya) July 23, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.