GMA Logo Baby dolls in family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Battle of Baby Dolls, mapapanood ngayong August 10 sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published August 10, 2026 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

THE ART OF CO-PARENTING: Max Collins on creating a loving home for son Skye
MMDA suspends number coding scheme on August 10 due to inclement weather
Robin Padilla bill seeks to outlaw use of fake addresses in preliminary probes

Article Inside Page


Showbiz News

Baby dolls in family feud


Abangan ang pagsabak ng Baby Dolls sa 'Family Feud' ngayong August 10!

Exciting at puno ng energy ang tapatan ng Baby Dolls ngayong Lunes sa Family Feud!

Ngayong August 10, maghaharap-harap ang mga miyembro ng sikat na all-female group mula sa It's Showtime para sa fun and friendly Family Feud showdown.

Pinangungunahan ng Baby Dolls leader na si Arianne De La Cruz ang Team Baby. Bukod sa pagiging lider ng grupo, miyembro rin siyang award-winning hip-hop group na Legit Status. Kasama niya sina Johaira Omar, isang Kapampangan dancer at actress; Ina Ortega, dating ballerina at ngayon ay registered nurse sa Tiaong, Quezon; at Chole Florendo, nakatatandang kapatid ni Cianne Dominguez nakabilang naman sa kabilang team.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, ang super-lithe at flexible na si Jelai Ahamil ang lider ng Team Dolls. Makakasama niya sina Juby Sabino, ang tinatawag naPasarela Princess at Cebuana pageant veteran na sumabak sa pageants mula edad 15 years old; Eriel Reyes, isang aspiring film and media student; at ang guest player na si Cianne Dominguez, host ng It's Showtime at finalist sa Superbod competition.

Abangan kung sino ang magpapakita ng kanilang ultimate moves at makakakuha ng top answers sa fresh episode ng Family Feudngayong August 10, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataongmanalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.