What's Hot

Battle of the Champions sa 'Laff, Camera, Action!' bukas na

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 3:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beachgoer sa San Juan, La Union, nasagip mula sa pagkalunod | One North Central Luzon
PCO exec Claire Castro reports ‘grave threats’ by FB page to NBI
Check out this newest one-stop lifestyle store in Makati

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan!


Maghaharap na bukas, August 27, ang dalawang grupong pumasok sa Hall of Fame ng Laff, Camera, Action!

Magtatagisan sa pagpapatawa ang koponan nina Boobay, Divine at Ian Red, at grupo nina Michelle O’Bombshell, Tetay at Doktora Beki. Ayon sa mga komedyante ay ibibgay na raw nila ang kanilang best performances ngayong Sabado kaya talagang kaabang-abang ang mangyayaring ‘Battle of the Champions.’

Sumang-ayon din sila sa isa’t isa na kabilang sa kanilang game plan ay ang pagdarasal, pag-concentrate, pagkakaroon ng confidence, at higit sa lahat, pag-enjoy sa kanilang ginagawa.

“Kami talaga inaamin namin sa sarili naming, kinakabahan kami dahil kayong tatlo ay isa sa mga pinakamababangis na baklang nakilala namin. Kami naman, hindi kami susuko, as in ibibigay namin [ang] best namin,” sambit ni Boobay.

“There’s a chance for you to back out. Kung ayaw n'yo, laban ‘to,” wika naman ni Tetay.