GMA Logo battle of the judges
What's on TV

'Battle of the Judges,' nasa Pilipinas na!

By Jansen Ramos
Published April 18, 2023 1:00 PM PHT
Updated June 21, 2023 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

battle of the judges


Talagang ile-level up ang TV talent competition genre dahil nasa Pilipinas na ang 'Battle of the Judges' at mapapanood ito sa GMA Network.

Pinoy pride goes global dahil mapapanood na sa Pilipinas ang kinaaaliwang talent show mula sa Europa, ang Battle of the Judges. First in Asia ang franchise na ito na mapapanood sa GMA Network.

Ang Battle of the Judges ay ang ultimate talent competition kung saan bida ang world-class na labanan ng mga talento. Tampok din dito ang best of the best judges at host na dapat abangan ng mga manonood.

Sa Battle of the Judges, may apat na celebrity judges at kada judge ay pipili ng anim na talented performers mula sa iba't ibang klase ng performance na kanilang ime-mentor throughout the competition.

Maghaharap-harap sa masaya at exciting na knock-out duels ang mga pinakamagagaling kaya ultimate diskarte ang kakailanganin ng 24 acts.

Mararamdaman din ang tensyon dahil bibigyan din ng spotlight ang judges na all-out sa pakikipaglaban sa kapwa nila hurado para sa kani-kanilang manok talents dahil isa lamang ang tatanghaling panalo.

Abangan ang Battle of the Judges sa GMA at manatiling bumisita sa GMANetwork.com at sa official social media pages ng Kapuso network para sa iba pang updates.