
Malaman ang hiling ng TV host at podcast star na si Baus Rufo nang mag-report ito nang live sa Unang Hirit ngayong Miyerkules ng umaga sa Masantol, Pampanga.
Kitang-kita naman na marami sa mga kababayan natin sa Masantol ang apektado ng matinding baha dulot ng malakas na ulan na mas pinatindi ng Habagat o Southwest monsoon.
Ngayong Miyerkules ng umaga, muling nagtaas ng red rainfall warning ang weather bureau na PAGASA sa mga lugar ng Pampanga, kasama ang area ng Masontol, pati na rin sa mga probinsya na Batangas, Cavite, Bataan, Bulacan, Zambales, at kabilang ang Metro Manila.
Ayon sa PAGASA, maaaring makaranas ang mga lugar na ito ng matinding pagbaha.
READ: Podcast duos dominating online conversation right now
Kaya naman habang live na nagre-report sa Kapuso morning show, nag-iwan ng paaalala si Baus sa publiko na maging mapanuri sa mga opisyal na iboboto sa 2028 elections.
Hirit ni Baus, “Ang wish ko ay maikli naman noh. Matuto na tayo bumoto ng mga opisyal na marunong, mga opisyal na may malasakit sa bansa dahil pagod na po tayo sa baha!
“Pagod na po tayo sa traffic at pagod na, pagod na, pagod na, na pagod na pagod na po tayo maging pagod. Yun lang naman po, simple lang, napakaikli.”
Bukod sa pagiging UH host-mate, napapanood din si Baus sa The People Have Spoken kasama si Joy Barcoma. Siya rin ang main host ng Dog Show Divas podcast kasama si Macoy Dubs.
READ: #BaJo: Joy Barcoma, Baus Rufo's dogshow moments
RELATED CONTENT: Celebrities air frustrations over Metro Manila flooding