
Tutuldukan na sa Your Honor ang mga taong "bida-bida."
Makakasama nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa bagong session ng YouLOL Originals vodcast ang trending social media comedian at podcaster na si Baus Rufo!
Dito, ibabahagi ni Baus ang obserbasyon niya sa mga taong tinatawag na "pa-main character" palagi.
Sabi ng comedian sa teaser ng Your Honor, “Ito yung mga taong agaw-atensyon, disruptive. May shini-share ka, pero agad-agad yung kuwento nagagawa nilang about them agad. Oh di, ikaw na!”
Makisaya with Baus Rufo, ang resource person sa Your Honor na mapapanood sa YouLOL YouTube channel ngayong October 25, pagkatapos ng Pepito Manaloto!
Related content: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne