GMA Logo Baus Rufo on Unang Hirit
Source: Unang Hirit, bausrufo (IG)
What's Hot

Baus vs Tinola: Baus Rufo, may statement matapos ma-hulicam sa 'Unang Hirit'

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2026 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tom Hiddleston, Andrew Garfield, more international stars spotted at Alex Eala's Wimbledon match
Cop in controversial PNP-IMEG ops in Iloilo surrenders
Local mall chain announces return of buy one, get one movie ticket promo

Article Inside Page


Showbiz News

Baus Rufo on Unang Hirit


Paldong paldo sa pagbibigay ng good vibes ang viral podcaster na si Baus Rufo sa funny moment niya sa 'Unang Hirit.'

Kahit parang sinusubok ng universe, muling nagbigay ng good vibes ang viral podcaster na si Baus Rufo sa Unang Hirit.

RELATED CONTENT: Meet Baus Rufo: The fun and unfiltered podcaster

Aliw na aliw ang viewers at netizens sa nangyari sa kanya sa pambansang morning show nang mapaso ang kanyang dila habang kinakain ang nilutong tinola ng special guest na si LJ Moreno.

Sa isang Instagram post, nagpaliwanag si Baus sa bago niyang trending moment sa UH.

Aniya, “Kitang kita ang saya-saya namin, sobrang enjoy kami. Ready, excited, ganap na ganap. Pagkatikim namin ni Miss Suzi ng sabaw, tuwang tuwa kami. Sabi namin, 'Oh my god! It's giving ang sarap.'

“So, siyempre akala ko okay na, puwede ko nang enjoyin, so okay kakain na ako ng papaya. Kaso wala pong nagsabi sa akin na mainit 'yung papaya kaya po nangyari ito.”

Tanong ni Baus sa sarili, “So, basically ang nangyari po is nakain ko 'yung papaya, sobrang init. Sabi ko, 'Magko-commit ba ako dito? Lulunukin ko? What if mabilaukan ako on live TV?'

“Or baka puwede iluwa ko na lang dahil sobrang pasong-paso na 'yung dila ko. Hindi pa naman siguro nakatapat 'yung camera.

“And then saktong sakto pagluwa ko dahil mahal na mahal tayo ng universe boom! Kuhang kuha. So, confirming po na araw-araw tayo sinusubukan or baka patibong na naman ito ng HR.”

A post shared by Baus Rufo (@bausrufo)

Sobrang tawang tawa naman ang netizens sa bagong pagsubok ni Kapuso Baus.

Napapanood si Baus Rufo bilang isa sa celebri-peeps ng The People Have Spoken. Main host din siya ng podcast na Dogshow Divas kasama si Macoy Dubs.

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now