
Pinag-usapan at trending sa Twitter ang Eat Bulaga segment na "Bawal Judgmental" kanina, December 12, dahil sa celebrity guest na manghuhusga na si Kisses Delavin.
Kisses Delavin, mapapanood na sa 'Eat Bulaga?'
Ang dating Kapamilya young actress na si Kisses ang pinakabagong talent ng Triple A management at ang guest appearance niya sa Eat Bulaga ang unang paglabas niya sa Kapuso network.
Na-distract ba kayo sa mga talent ng choices at costumes ni Dabarkads Wally? 😜 Ano sa tingin nyo ang unang tanong? #BawalJudgmental pic.twitter.com/KoDTBYrYSg
-- Eat Bulaga! (@EatBulaga) Disyembre 18, 2019
November 8 nang pormal na pumirma ng kontrata si Kisses sa Triple A management.
Dito, sinabi niyang hindi naging mahirap ang pagdedesisyon niyang lumipat ng talent management dahil bukod sa maayos ang pagpapaalam niya sa dating home network, magaan din daw ang naging pakiramdam niya nang makilala ang president ng Triple A na si Rams David.
"Right now, I feel very blessed kasi I feel that APT is a very personal management, would really care for its talents.
"So I feel very excited with what's to come and I feel very grateful na finally na alaga na po ako ni Tito Rams and Direk Mike [Tuviera]."
"Na-meet ko po si Tito Rams through Ate Marian. Nagkita po kami sa Guillermo Awards.
"Then, nagkita rin po kami sa fashion show. 'Yun, I just felt that he generally cared for me kaya napag-isipan ko po na maganda po 'yung APT," kuwento Kisses.
Nabanggit din niya na isa sa mga nakaimpluwensiya sa kanyang lumipat ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
"Na-inspire din po ako na si Ate Marian, she's very inspired hanggang ngayon sa carer niya at this point. She's very inspired and positive.
"Kung ganun ka ka-positive probably, 'yung mga tao rin sa paligid mo are very positive. I like that kind of atmosphere."
Ayon kay Kisses, bukas siyang makatrabaho si Marian at kapwa Triple A talent na si Maine Mendoza, at iba pang artista ng GMA Network.
"Hindi ko pa po nami-meet ang lahat ng artsits sa GMA. So, I'll just look forward na lang po, abangan n'yo na lang po," nakangiting sabi ni Kisses.
Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo mula sa Triple A kung magkakaroon ng regular na proyekto si Kisses sa GMA Network.