What's Hot

Bayang Barrios, hindi nanghina ang loob habang kumakanta ng "Lupang Hinirang" sa SONA kahit may problema ang mikropono

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 3:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Ipinaliwanag ni Bayang Barrios kung bakit may mga sandali kung saan nawala ang kanyang boses habang kumakanta ng Pambansang Awit sa SONA. 


Bumaha ng papuri para sa OPM singer na si Bayang Barrios online dahil sa mahusay nitong pagkanta ng "Lupang Hinirang" sa nakaraang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte noong Lunes, July 25 sa Batasang Pambansa.

Agad namang nagpasalamat si Bayang sa lahat ng mga tao na nagpapadala ng magagandang mensahe sa kaniya sa post nito sa Facebook.

Aniya, “Yehey!!! Salamat sa mga panalangin ninyo mga kaibigan ko di ko nakalimutan ang lyrics ng ating Pambansang Awit, kahit na yong microphone nakalimutan na may kumakanta sa kanya! Mabuhay ang napupukaw na pagmamahal natin sa ating bayan. Maging mulat at mapagmatyag pa rin tayo bilang mamamayan. Huwag maging bulag kahit may nakikitang kamalian. Mabuhay ang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas!”

Nagkuwento rin ang OPM singer sa naranasan niyang problema sa gamit niyang microphone dahil may mga netizens ang nakapansin na nawawala ang boses niya habang kumakanta.