Article Inside Page
Showbiz News
Hindi man natuloy ang "Todo Bigay", kasama pa rin naman si Bayani Agbayani sa pinakabagong morning show ng GMA, ang "Diz Iz It!"
Masayang-masaya si Bayani Agbayani ng makausap ito ng iGMA sa press launch ng "First Time" kamakailan. Inamin nito na wala na siyang mahihiling pa mula sa GMA. Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi siya nanghihinayang sa show na dapat sana ay kasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio and GMA Network
Tatlong new shows ni Bayani Agbayani ang mapapanood natin ngayong Pebrero sa GMA.

Sabay nagsimula ang morning show na
Diz Iz It! at ang prime time show na
First Time noong February 8. Magsisimula naman mamayang gabi ang
SRO Cinemaserye presents Meet The Fathers, kaya naman very thankful si Bayani sa mga ibinigay na opportunities sa kanya ng GMA.
"Pagbalik ko dito, talagang dalawang kamay nakabukas. Tinanggap ako, hindi lang ng management kundi pati ng mga artista at buong production," ang sabi ng komedyante sa amin.
"Isipin mo, ngayon pa lang meron na akong
First Time, may
SRO Meet The Fathers, may daily show, may isa pang show na pambata—apat na kaagad! Ano pang hihilingin mo sa GMA?" ang dagdag pa niya.
Kaya ba hindi siya nanghihinayang sa project na dapat sana ay pagsasamahan nila ni Manny Pacquiao?
"Kasi ako, ang pakiramdam ko lagi pag 'di ukol, hindi bubukol. Kapag hindi para sa iyo, hindi sa 'yo" ang paliwanag ni Bayani. Of course he is referring to
Todo Bigay na dapat sanang papalit sa
SIS.
Pero hindi man natuloy ito, kasama pa rin si Bayani sa mga hosts ng ipinalit na show, ang
Diz Iz It.
"Ako na lang ang naiwan sa original cast. Maraming idinagdag sa show na dapat hindi napapanood sa ibang show. Nakaka-nerbiyos kasi alam naman natin ang rating ng katapat na show ng
Diz Iz It, pero siyempre sinasabi naman namin kapag nag me-meeting kami na 'wag nating isipin na tinatapatan natin ['yun]. Ang isipn natin 'yung nage-enjoy tayo, at nagbibigay tayo ng tuwa at kasiyahan sa mga tao."
Pagusapan ang pagbabalik ni Bayani sa GMA sa pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!