Article Inside Page
Showbiz News
Si MMDA Chairman Bayani Fernando ang itinanghal na ikalawang grand champion ng Celebrity Duets noong Sabado, November 8, 2008.
Si
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando ang itinanghal na ikalawang grand champion ng Celebrity Duets noong Sabado, November 8, 2008. But aside from the votes, BF proved during the finals night na deserving syang iboto ng libo libong Pilipino na sumubaybay sa programa sa loob ng tatlong ng buwan. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio

Noong Sabado, November 8, 2008, ginanap ang grand finals ng
Celebrity Duets sa Studio 3 ng GMA Network. Star-studded and nasabing okasyon dahil bukod sa tatlong finalists na sina Bayani Fernando, JC Buendia at Joey Marquez, nandun din ang mga natanggal na contenders ng
Celebrity Duets.
Sa opening number ng show, kasamang nag-perform ng tatlong finalists sina fitness and fashion guru Cory Quirino, Chef JL Cang, international soccer player Phil Younghusband at beauty queen Carlene Aguilar. Tanging ang international beauty titlist na si Ms. Melanie Marquez ang hindi nakarating sa nasabing okasyon upang makiisa sa huling showdown ng
Celebrity Duets.
Grand showdown
Nahati sa dalawang rounds ang finals night ng
Celebrity Duets. Sa unang round, nakipag-duet ang tatlo sa mga singers na nakapareha na nila during the elimination rounds.
Pinili ni BF ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corales at ang kantang “Ay, Ay, Ay O Pagibig!” Samantalang si Keempee de Leon naman ang napili ni Joey Marquez na kanyang lucky charm sa competition. Kinanta ng
Kung Ako Ikaw hosts ang madamdaming kanta na “What Matters Most” ni Kenny Rankin. Si Allan K naman ang napili ni JC Buendia na kapareha sa kantang “Build Me Up Buttercup.”

Sa ikalawang round naman, pinili ni Joey Marquez ang Concert Queen Pops Fernandez para tulungan sya sa awiting “Friends.” Kinanta naman ni JC Buendia ang “Just The Way You Look Tonight” with Jonalyn Viray. Muntik na mapaluha si JC habang kumakanta at ng makapanayam namin sya ito ang kanyang pahayag kung bakit sya naging emosyonal: "E kasi nakita ko 'yung mama ko. Kinanta ko 'yun for her so ang hirap pigilin [umiyak]."
Lastly, ang beteranong singer na si Basil Valdez ang napili ni Bayani Fernando para sa kanyang huling duet. Kinanta nila ang “Corner of the Sky” at halatang inspirado ang dalawa sa kanta dahil ito ang pinaka malakas na performance ng gabi at ang pinaka pinalakpakan ng audience sa studio.
And the winner is
Bago pa man i-anounce ni
Regine Velasquez at
Ogie Alcasid ang nanalo, hiningan muna ng iGMA ang tatlong finalist ng kani-kanilang mga mensahe sa mga bumoto at sumuporta sa kanila sa buong second season ng
Celebrity Duets.

"Maraming maraming salamat dahil naniwala sila sa akin. Although sayang ang Php2.50 pero at least sana naibalik ko naman sa kanila ang konting kaligayahan. Syempre sa iba malakig bagay sa kanila minsan yan e, pero sana naibalik ko 'yung kaligayahan sa kanila," ang pahayag ng actor/politician na si Joey Marquez.
Ito naman ang mensahe ng MMDA Chairman sa mga bumoto sa kanya at sa lahat ng bumubuo ng programa: "Sa lahat ng mga nagtext, sa lahat ng mga pumalakpak sa akin maraming maraming salamat sa inyong lahat at sadyang napakalaking bagay nitong ginawa ninyo sa akin na ako ay tumagal ng ganito at nakarating ng finals. Pipilitin ko pong pagbutihin nang kayo po ay masiyahan. Sa lahat ng mga kasama ko sa
Celebrity Duets, tinggin ko we've put up a good show, congratulations sa ating lahat at thanks to GMA 7 for the opportunity and for their help at 'yung mga natutunan namin dito."
"Maraming salamat po sa lahat ng bumoto sa akin, sana hindi po napudpod ang kamay nyo sa kate-text. Kung pwede ko lang po kayong lahat i-treat lahat sa manicure, itri-treat ko po kayo maraming salamat sa pagmamahal. Sobrang salamat sa naging experience ko dito kasi nawala 'yung pagka mahiyain ko kasi talagang super shy talaga ako, ngayon nakakaharap na ako sa maraming tao." sabi ng fashion guru na si JC Buendia noong makausap namin sya sa huling gap ng programa.

At ng i-announce na ni Regine at Ogie na si Chairman Bayani Fernando ang nakakuha ng pinaka maraming boto, nagkagulo na sa stage at dinumog ng mga supporters ang second grand champion ng
Celebrity Duets.
"Itong panalo kong ito handog ko unang una sa mga beneficiaries natin (Caritas Manila at C.H.I.L.D. House). Handog ko po ito sa lahat ng aking mga kasama. 'Yung akin pong asawa na talagang awang awa na po ako dahil nagigising ng umaga talaga at naga-alala din sya at sa ilang mga kaibigan.
“Handog ko rin ito sa lahat ng mga ninerbyos sa aking kinakanta. Sa lahat po ng mga nag-text, nanood, pumalakak lahat po ay pinasasalamatan ko, at 'yung po ay hindi ko malilimutan parang kahit kayo man ay nasa dulo ng Pilipinas, sa Tawi tawi o nasa kung saan mang lugar, para kong naririning ang inyong mga palakpak. Salamat po," ang huling pahayag ng ikalawang grand champion ng
Celebrity Duets!
Congratulate Chairman Bayani Fernando by logging on to the
iGMA forums.