GMA Logo SB19 Billboard
Photo by: @SB19Official Twitter
What's Hot

'Bazinga' ng SB19, record-breaking sa Billboard Hot Trending Songs chart

By Aimee Anoc
Published January 26, 2022 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 Billboard


Nalampasan ng "Bazinga" ang "Butter" ng global K-pop sensation na BTS, na anim na linggong nagnumero uno sa nasabing chart.

Record-breaking sa Billboard Hot Trending Songs chart ang hit song ng SB19 na "Bazinga," matapos itong manatili sa number one spot sa loob ng pitong linggo.

Ayon sa Billboard, record-breaking ito dahil naungusan ng SB19 ang "Butter" ng global K-pop sensation na BTS, na anim na linggo na nagnumero uno sa nasabing chart.

Bago nito, una nang nakakuha ang Pinoy pop group ng 9.3 million Twitter mentions noong January 15 hanggang January 22.

Labis naman ang pasasalamat ng SB19 sa kanilang mga tagahanga.

Samantala, mas kilalanin pa ang P-pop boy group SB19 sa gallery na ito: