
Sa pagbubukas ng 2017, naging sentimental at mapagnilay si BB Gandanghari.
Sa pagbubukas ng 2017, naging sentimental at mapagnilay si BB Gandanghari.
Sa tatlong magkakaibang posts sa kanyang Instagram account, binalikan niya ang mga natutunan niya noong nakaraang taon, pati na ang mga inaasahan niya para sa 2017.
Una niyang binanggit ang makasaysayang pangyayari sa kanyang buhay kung kailan kinilala siya bilang isang legal na babae.
Ibinahagi rin niya na galing sa pagkakaroon ng mga pangarap at layunin ang bagong sigasig niya sa buhay ngayon.
Hinikayat din ni BB ang kanyang mga followers na samahan siya sa paglipad sa 2017.
Kasalukuyang namamalagi sa Los Angeles si BB kasama ang kanyang alagang si Imman.
MORE ON BB GANDANGHARI:
LOOK: BB Gandanghari is now legally a woman
Binibini Gandanghari's #ADAMTOEVE transformation