GMA Logo BB Gandanghari extends help to Rene Baterbonia family
Source: gandangharibb/IG
What's on TV

BB Gandanghari, naghatid ng tulong sa pamilya ni Rene Baterbonia

By Kristian Eric Javier
Published July 8, 2026 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Donald Gumiran, the new PH Army chief?
Masungi Georeserve is hosting a one-day birdwatching and breakfast event this August
Batac hosts West Philippine Sea dialogue

Article Inside Page


Showbiz News

BB Gandanghari extends help to Rene Baterbonia family


Ramdam umano ni BB Gandanghari ang hinagpis ng mga magulang ni Rene Baterbonia

Naging usap-usapan ang pagtulong ni BB Gandanghari sa pamilya ni Rene Baterbonia, ang isa sa mga atleta ng Ateneo De Manila University na pumanaw sa isang training exercise.

Matatandaan na pumanaw kamakailan sina Rene at teammate nitong si Divine Adili nang magsagawa sila ng training exercise sa Dipaculao, Aurora.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 6, ibinahagi ni BB Gandanghari na ang kapatid niyang si Senator Robin Padilla ang dahilan kung bakit niya nalaman ang sitwasyon ng pamilya ng namayapang atleta.

“Kasi si Robin, nagpunta doon siguro two days pa lang na nandu'n si Bobet (Rene), nagpunta na siya doon sa wake. And then, ikinukwento niya sa akin na talagang awang-awa siya doon sa pamilya, plus the fact na it's a shattered dream, e. 'Alam mo, napakalaki ng potensyal ng bata,” sabi ni BB Gandanghari.

Kaya naman, noong nagsabi umano ang kapatid na makikipaglibing ito, nagprisinta siyang sumama.

“Kasi gusto kong makiramay talaga kasi naiintindihan ko 'yung sakit nu'ng nawala du'n sa pamilya, du'n sa ina,” sabi ng actor-director.

Pagyakap umano niya sa mga magulang ni Rene, naramdaman niya ang sobrang hinagpis nito sa pagkawala ng anak at inamin na hindi niya kakayanin kung sa kaniya nangyari ang ganoon. Doon na rin daw nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

BALIKAN ANG NAGING BASKETBALL JOURNEY NINA RENE BATERBONIA AT DIVINE ADILI SA GALLERY NA ITO:

Nagprisinta ring sumama si BB Gandanghari sa Aurora kung saan nangyari ang insidente na ikinasawi ng dalawang atleta para magbigay ng moral support sa mga magulang ni Rene.

“Gusto nila magpaalam and gusto nila makita what happened. And you know ang medyo nakakakilabot is nu'ng nandu'n na kami and then dala-dala nila 'yung mga flowers, tapos binaba 'yung flowers du'n sa dalampasigan, tapos 'yung tubig, hindi naman umaabot kasi nilagay nila du'n sa medyo hindi inaabot ng tubig,” pagbabahagi ni BB Gandanghari.

Pagpapatuloy ng actor-director, “But when the mom started saying something and talking to Bobet, alam mo, biglang [tumaas] 'yung tubig du'n sa mga flowers, parang nagparamdam talaga, kinuha 'yung [mga bulaklak].”

Sa ngayon, tingin ni BB Gandanghari, ay bumubuti na ang lagay ng mga magulang ni Rene. Ngunit pag-amin ng actor-director, alam niyang hindi pa rin nawawala ang kalungkutan nila.

“I think grief will be forever, it's just a matter of getting used to it. It will never go away. You just get used to it. Especially so Bobet is sucha a good -- kinukwento kasi sa 'kin, he's such a good son,” sabi ni BB Gandanghari.

Panoorin ang panayam kay BB Gandanghari dito: