GMA Logo bb gandanghari responds to robin padilla
What's Hot

BB Gandanghari responds to Robin Padilla, "I'm fine, I'm existing, I'm surviving."

By Aedrianne Acar
Published May 16, 2020 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bb gandanghari responds to robin padilla


BB Gandanghari to her family, "If I'm not in your hearts, that's fine."

Matapang ang naging pahayag ni BB Gandanghari nang sagutin niya ang isyu tungkol sa tampo niya sa kanyang pamilya na nandito sa Pilipinas.

Matatandaan na kamakailan ay nagpahayag ng pagkadismaya si BB dahil sa umano'y tila kawalan ng malasakit ng pamilya niya rito sa Pilipinas.

Ito ay bunsod ng hindi umano nila kinukumusta man lang ang kalagayan ngayon ni BB, na kasalukuyang nakabase sa Amerika.

BB Gandanghari upset by family's lack of sympathy: "Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila"

Sa isang panayam ng PEP.ph, sinagot ito ni Robin at sinabing, "BB, tigilan mo na iyang katatampo."

Ipinaliwanag din niya ang dahilan kung bakit hindi nila nakukumusta si BB.

Ani Robin, "Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020."

Kabilang na rito ang pagkakaroon niya ng injury at ang pagkakadisgrasya din ng kanilang inang si Eva Cariño.

Tila hindi nagustuhan ni BB ang naging pahayag ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa kanyang 48-minute vlog noong Huwebes, May 14, nilinaw ng LGBT advocate ang mga naging pahayag ni Robin.

Wika niya, "Happy ako, 'yun nga ang mahirap, e. That's why I'm talking now because ano ibig mong sabihin sa impression na tigilan ko na pagtatampo at mahal n'yo naman ako.

"Ano 'yun, consolation prize?"

"I'm not begging for that, I'm fine! I'm actually fine!" saad ni BB.

Dagdag niya, "If what I've said will not merit [anything] or kung ayaw n'yo ako tawagan, e, di hindi.

"I'm fine, I'm existing, I'm surviving, I'm working. I'm self-sufficient, God is good to me that's all that matters.I'm doing, what I'm doing,"

Binigyan-diinng nakatatandang kapatid ni Robin na hindi siya nagtatampo. Dito na inamin ni BB na matagal na sila walang komunikasyon.

Saad niya, "Robin, hindi ako natatampo. Pero ang nandito sa puso ko 'yun ay 'Ah! Hindi ko sila matatakbuhan.'

"Hindi lang ba tayo nag-usap since, for the information of everyone, since nung lockdown lang.

"Nagre-reach out ako nung lockdown, kasi lockdown na hindi pa tayo nag-uusap. For one, two years, three years. I can't even remember the last time."

"Wala ako sa puso ninyo."

May payo rin ang ate ni Robin Padilla sa kanya tungkol sa kanyang back injury.

Ayon kay BB, "Mabuti ka nga, naramdaman mo na ba magkasakit na wala kang kakainin. Buti ka nga nakapag-stay sa ospital.

"Ang mga nagkakasakit dito sa ibang bansa nag-trabaho pa rin.

"'Yung sakit ng likod mo, I don't want to diminish it but the way you are diminishing me, baka kulang lang yan sa exercise. Try mo mag-stretching."

"Si Mama nadulas, 'yun pala, e, wala pa rin tumawag?"

Dahil dito, malinaw na rin daw kay BB Gandanghari na walang pakialam ang kanyang pamilya sa kanya at wala daw siya sa mga puso nito.

"Sinasagot ko lang lahat 'to Robin, ha. Sinasagot ko lang para maliwanag," sabi ni BB.

"Kasi, parang ang lumabas dun sa live mo is grabe ka, napaka-self centered mo, sa lahat ng mga nangyari ganito, ikaw pa [inaudible].

"In other words, If I'm not in your hearts, that's fine. That's the only obvious thing, wala ako sa puso ninyo.

"So, let us not impress other people na, oh, 'cause that's the right thing for you to do kasi for imaging purposes. 'Naku, kailangan mabait tayo kay BB.'"

Panoorin ang kabuuan ng pahayag ni BB sa kanyang vlog:


Taong 2006 nang aminin ni BB Gandanghari, na dating kilala bilang Rustom Padilla, ang tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

From matinee idol to a binibini: The colorful and transformative life of BB Gandanghari