GMA Logo Bea Alonzo, Jean Garcia, Carla Abellana
Photo by: gmanetwork, beaalonzo, carlaangeline IG
What's on TV

Bea Alonzo, aminadong masayang makatrabaho sina Jean Garcia at Carla Abellana

By Kristine Kang
Published June 25, 2024 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo, Jean Garcia, Carla Abellana


Kahit puro away ang madalas niyang eksena kasama sina Carla Abellana at Jean Garcia, malaking respeto at hanga ang ibinibigay ni Bea Alonzo sa kanila.

Mas intense na scenes ang dapat abangan ng Kapuso viewers sa upcoming GMA murder mystery drama series na Widows' War dahil hindi lang matatalim na salita ang mapapanood dito, pati na rin ang mga pisikalang awayan ng mga karakter.

Inamin ng Widows' War cast na mas may tensyon ang kanilang ginampanan na roles at very challenging ang kanilang scenes sa programa.

Kung gaano kabigat ang mga eksena sa spin-off nitong series na Royal Blood, ganoon din ka-intense ang mapapanood sa Widows' War.

Sa isang panayam kasama si Nelson Canlas para sa GMA Integrated News, ibinahagi ng Kapuso star na si Bea Alonzo ang kapanapanabik na concept ng programa.

"It's a struggle of power, love, and doon mag-uumpisa 'yung conflict. But at the end of it all, I think it's a story about family. What you can give, what you can do to protect your family," sabi niya.

Gagampanan ni Bea ang karakter na si Sam, ang dating best friend ni George na gagampanan naman ni Carla Abellana.

Asahan daw ng netizens ang mabigat na mga eksena nina Bea at Carla dahil puno ito ng masasakit at pisikalang awayan.

Pero klinaro ng Kapuso aktres na hinahangaan niya si Carla bilang co-star dahil sa kaniyang talento at pagiging propesyonal on set.

"We respect each other as actors and alam namin kung saan 'yung boundaries and everything. Carla's very professional and before hand kapag may ganoon kaming sensitibo na mga eksena, we talked about it. Rine-rehearse namin, saan kami pupunta para hindi kami magkakasakitan physically masyado," pahayag niya.

Isa rin sa mga hinahangaan niya ay ang seasoned actress na si Jean Garcia. Abangan din ng viewers ang kanilang mga eksena dahil mayroon ding tensyon ang kanilang mga karakter.

Aniya, "I love working with her. Nakatrabaho ko na siya nang ilang beses before noong bata ako. Pero ngayon lang kami magkakaroon ng ganitong mga eksena na lumalaban ako sa kaniya. Actually, hindi lang lumalaban."

Mapapanood ngayong July 1 ang kaabang-abang na murder mystery drama series na Widows' War sa GMA Prime.