
Ibinahagi ni Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda na napag-uusapan na nila ni Dominic Roque ang pagbuo ng kanilang sariling pamilya pero hindi nila ito minamadali.
Nauna nang nilinaw ni Bea kamakailan na hindi pa sila engaged ng kaniyang boyfriend na si Dominic at ang mga sweet photo nila sa beach na nag-viral sa social media ay kuha noong nakaraang taon nang magbakasyon sila sa Amanpulo.
Ayon kay Bea, paminsan-minsan ay nagbibiruan din sila ni Dominic tungkol sa wedding engagement.
Aniya, “Puro pabiro lang. Kasi may mga trip kami na inayos na for the year. We're going to Japan, we're going to Madrid, he's coming with me to Madrid.
“So parang jino-joke ko siya palagi na, 'Baka doon ka pa mag-propose? Dapat alam mong maganda ako sa proposal mo.'”
Pero pagliinaw ni Bea, “Of course, these are just jokes but we always talk about the future like building a family together.”
Kuwento pa ni Bea, maging ang kanilang mga magulang ay excited na rin sa kanilang bubuoin na pamilya.
“Whenever we were all together, laging 'yun 'yung pinag-uusapan nila. Actually, kanina kausap ko si Mama, paulit-ulit siyang nagsasabi na so kailan ka na magkaka-anak? Kailan na? Thirty-five ka na.
“Actually ang daming pressure from outside pero mas matindi pa rin 'yung pressure ng pamilya,” ani Bea.
Paglalahad pa ng aktres, ayaw nilang magpadala ni Dominic sa pressure at ine-enjoy pa nila ngayon ang buhay kasama ang isa't isa.
“Of course, ayaw din naming magpa-pressure doon sa urge ng iba for us to get married. It is just that, kagaya ng sinabi ko before, we have our own timeline and kami ni Dom naroon kami sa best time ng relationship namin e. We are just loving the life together and I love my life with him,” anang aktres.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
IN PHOTOS: Bea Alonzo and Dominic Roque's sweetest photos