GMA Logo bea alonzo at lolit solis
What's Hot

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita na sa personal

By Nherz Almo
Published November 25, 2023 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo at lolit solis


Bea Alonzo sa unang pagkikita nila ni Lolit Solis: "Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita sina Bea Alonzo at Lolit Solis sa birthday celebration ng Beautederm CEO Rhea Anicoche-Tan ngayong Sabado, November 25.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng Love Before Sunrise actress at ng batikang entertainment columnist dahil sa sunud-sunod na pambabatikos noon ng huli.

Sa naturang birthday party, kusang lumapit si Lolit para batiin si Bea at humingi ng sorry.

Sa panayam sa entertainment media, sabi ni Lolit, "Kahit noon pa sinasabi ko, kahit saan tayo magkita, magso-sorry ako. Talagang that time, ang ano ko lang naiinis ako sa isang taong malapit sa kaniya."

Sa parte naman ni Bea, kitang-kita rin ang saya sa kaniyang ngiti dahil sa pagkakayos nila ni Lolit.

Aniya, "Unang beses ko po siyang na-meet ngayon sa personal. I'm happy na finally nagkita kami. Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran."

SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG SHOWBIZ PERSONALITIES NA NAGKAALITAN AT NAGKAPATAWARAN: